Talaga bang may kalayaan?
Tayong lahat ay mga manika at ang Magmamanika ay ang pinakamataas na lakas ng Kalikasan. Ang pangkalahatang batas ng Kalikasan ay ang dalhin ang sangkinapal sa buong pagkakaisa.
Ang ating kalayaan ay nasa pag-unawa ng plano ng Kalikasan. Kalayaan ay kapag makamit natin ang balanseng buo, lubos na pagkakapantay-pantay sa lahat ng mga bahagi, at buong pagkakaisa tulad ng isang katawan. Ang pag-unawa nitong Plano ng Kalikasan at ang paghangad na makamit ito ay ang bumubuo ng ating kalayaan sa paghangad. Para dito, dapat nating unawain ang mundong ating tinitirhan at sa lawak sa kung saan tayo, bilang mga tao nagsasama sa lipunan, ay ang kabaligtaran nito.
Kung magsisikap tayo para sa layuning ito sa pamamagitan ng ating sariling pagsisikap, hindi tayo mangangailangan ng mga hampas ng tadhana at iba’t-ibang krisis para itulak tayo mula sa likuran. Sa halip, kung sundin natin ang landas na ito kasama ang ating positibong mga hangarin, ang buong landas ng ating pag-unlad ay magiging kanais-nais at mabilis.



























