Baka merong ibang paraan?
Kalakip nito ang delikado, magulo, at sa parehong panahon, matalino at maawaing isip: Plano ng Kalikasan. Kailangan nating maunawaan ang isip na ito at unawain saan ito nagdadala sa atin, sa halip na subuking laging lalayo sa paghihirap. Ang krisis ay isang paglilihis sa tamang layunin ng kalikasan, na siyang mararanasan natin bilang koreksyon. Subali’t, kapag hindi natin ito tingnan nang maayos, bilang koreksyon na magdadala sa atin sa tamang daan ng kalikasan, at sa halip subukan nating pumunta sa ibang direksyon, sa gayon sa susunod na pagkakataon, mapagpauumpisahan natin ang lalong malaking negatibong reaksyon, lalong malalim na krisis, at lalong malaking koreksyon sa ating sarili.
Subali’t, kapag simulan nating baguhin ang ating sarili kahit na konte, kapag nanaiisin nating magbago dahil hindi tayo makakaligtas kung hindi, kahit na nanaisin natin ito sa ating pag-iisip, maabot natin ang koreksyon at pagkapantay sa kalikasan. Isipin ang isang batang hindi gustong gagawa ng tama, at pagkatapos gumawa ng pasiyang gagawin ang kagustuhan ng kanyang mga magulang para makaiwas sa paghihirap. Sa sandaling ang bata ay gumawa ng pagpili, ang pakikitungo ng kanyang mga magulang sa kanya ay magbago.
Ang kasalukuyang mga unos at mga krisis na humahampas sa atin ay may pandaigdig na likas. Sila ay nagtuturo sa atin sa layuning pandaigdig. Ang sangkatauhan ay umunlad sa kalagayang kung saan tayong lahat ay may pagkakataon na maunawaan ito, at sa gayon, tayo ngayon ay makakagawa ng tamang pagpili.



























